I missed blogging a lot. Like really. Thanks to PLDT DSL for making paasa.
Since I won't be around much, Mumomoment will be not much "fed" but I promise I will be back... when I am not too lazy to blog, too.
Taking a detour on videos, here's my Top 10 List on how to deal with men. I chose writing this in Filipino to add Filipino humor but translations are available at $2.50 per word. LOL!
Hindi ako eksperto sa pagkakaroon ng jowa. In fact, single ako.
Ang huling naging seryoso kong relasyon ay sa isang banyaga.
Nakipag-break siya sa 'kin nung Valentine's Day ng 2010. Pero tingnan
nyo, mga ateng, buhay pa ako. Magkaibigan pa rin naman kami at hindi ko
pinagsisisihan ang aming naging ugnayan.
Marami akong natutunan sa kanya at sa iba ko pang mga naging
relasyon bago siya. At nais kong ibahagi ang ilan sa inyo. Ako ay
masusing nag-imbestiga at nag-aral ukol sa ugali ng mga lalaki. But,
again, hindi ako eksperto. Kung feeling mo eh mas marami kang alam, eh
di sumulat ka ng sarili mong blog at itigil mo na ang pagbabasa nito.
Hindi natin sila mauunawaan ng lubos, gaya ng kalituhan nila sa
kaartehan natin ngunit sa sampung paraan, maiiwasan ang mas madalas na
hindi pagkakaunawaan ng mga lalaki at babae.
PAUNAWA: KUNG KOKOPYAHIN ANG LATHALANG ITO, I-ACKNOWLEDGE NYO NAMAN
AKO, MGA ATENG. PINAG-ISIPAN KO ITO NG MALALIM ISANG ARAW NA AKO AY
PAUWI SA AMIN SAKAY NG BUS.
ANG LALAKI. BOW.
10. Ayaw niya na daig mo pa ang nanay niya sa pagmomonitor kung
nasaan siya, sinong kasama niya o anong ginagawa niya. Hindi ka news na
dapat masagot ang 5Ws & 1H. Minsan, nagkukusa naman siya magsabi.
Pero huwag asahang madalas ito maganap. Tiwa-tiwala rin.
9. Timplahin ang jokes niya. Kung mabiro siyang tao, madali lang
masakyan, wala kang problema. Pero kung siya yung tipong once in a blue
moon lang magbiro, bigyan siya ng complimentary "Hahaha!". Huwag mo
idugtong yung "Last mo na yan". Minsan kasi ang lalaki masunurin, baka
habambf or habambuhay siyang maging corny, hala ka.
8. Iparamdam mong mahal mo siya kahit hindi mo sinasabi ang mga
katagang "I love you" gaya ng gusto mo. Yung simpleng bigyan mo lang
siya ng chocolate kasi napangiti ka niya nung isang araw. Nakakakilig
kapag siya ang nagbibigay, di ba? Pero mas nakakakilig kung siya rin
napapakilig mo. 10 Ganda Points!
7. May vulnerable side din siya. Hayaan mong siya ang mag-volunteer
ng past issues, pains or problems niya. Huwag siya pigain, hindi siya
labada. Maging magaling na tagapakinig. Kung lahat naman ng ikukwento
niya eh pagseselosan mo, swerte mo na kung umabot kayo ng 2 weeks. Tao
rin siya, naiinis din.
6. Huwag mo siyang gawing ideal/ dream guy mo. Umuutot din yan.
Huwag mong baguhin. E ano kung Pusong Bato ang ringtone niya? Minahal
mo siya bilang siya, hindi dahil sa playlist niya.
5. Huwag piliting gustuhin ang lahat ng likes niya. That's what
makes you compatible. Tandaan: Opposites attract. Kung ayaw mo sa NBA,
maiintindihan niya yon. Ayaw niya rin sa Twilight so quits lang.
4. Ikaw ang magdala ng bag mo. Kaya mo ito dinala kasi andun yung
mga kailangan mo. GAMIT MO YON, hindi kanya. Pero kung maleta ang dala,
pwede magpatulong. Kung keri mo naman, wag mag-inarteng nahihirapan.
Kung matigas ang ulo mo, e di wag ka na lang magdala ng bag! Arte pa
neto.
3. Hindi siya nakakaintindi ng lenggwahe natin na ang hindi ay oo at
ang ayaw eh gusto. Lalo na ring hindi siya nakakaintindi ng salitang
becky. Churva, chaka, teh at keme lang ang alam niya kasi madalas
niyang marinig pero di niya alam ang ibig sabihin. Huwag ipaunawa.
Marami ng bakla sa mundo, gagawa ka pa ng isa?
2. Magpakatotoo ka. E ano kung malakas ka mag-burp? Kumain kayo,
nabusog kayo. Mas nakakahiya namang umutot ng wagas, di ba? Mag-contest
pa kayo ng palakasan, why not. Basta ang punto don, huwag kang
magsinungaling o magpanggap na ibang tao ka.
At ang pinakaimportante sa lahat...
1. Huwag papipiliin kung DoTA o ikaw. Masasaktan ka lang.
IBAHAGI. BE INFORMED. AT SIYEMPRE, MAGING MASAYA. ^_^
#Mumomoment #Bidadoria Add me on Facebook: www.facebook.com/phoebemadness. Follow me on Twitter: @phoebemadness
Make the world a better place. Ka-ciao!
No comments:
Post a Comment